PAGTATAPOS NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2024
Noong ika-30 ng Agosto 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nakilahok ang ATO Padada Christian School Inc. sa pagpupugay sa kagandahan at yaman ng ating Wikang Filipino sa temang "Pista sa Nayon." Tampok sa selebrasyon ang mga makukulay na presentasyon at isang salu-salo na nilahukan ng Administrasyon ng ATO, mga guro, mag-aaral, at mga magulang.
Sa temang βFilipino: Wika ng Pagpapalaya,β binigyang-diin ang mahalagang papel ng wika sa paghubog ng isang malikhain at malayang lipunan. Sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika at patuloy na itaguyod ang ating pambansang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng ating wika!